Ang Kabataan ni Rizal

April 30th, 2009

Wan handred.

Ang iskor ko sa videoke

Ay wan handred.

Dun sa tindahan ni mang isko

kasama ang mga tropa…

mga tropa kong siraulo.

Banal na aso,

santong kabayo,

yun ang kinanta ko;

serbesa ni lola,

yun naman ang nilaklak ko.

Ako’ istambay,

Lasenggo at lagi na lang nakagulapay.

Walang trabaho,

palamunin ako ng nanay ko.

Walang silbi,

asa lagi sa swerteng

paambon ng aking ate.

P*%$@$$na,

sino ba kasi nagsabi,

na kabataa’y pag-asa ng ating bayan?

Kaya pala,

sya’y wala na,

nilibing na dun sa Bagumbayan

kasama ng pananalig niya at nalalaman.

Kabataan niyang inaasahan,

siguradong hindi ako.




One Response to “Ang Kabataan ni Rizal”

  1.   nikka urayan on July 21, 2009 4:50 am

    ganda din ni2 mam..

    haha…

    like q clang lhat…

    xoxo.nikka

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind